Second family
Hello.
Ok na ako sa kung anong meron ako ngayon. Actually, mas okay na kesa sa okay. :) Ang medyo nalulungkot lang ako e hindi ko na makikita o makakasalamuha yung mga taong itinuring ko ng parte ng second family ko.
Thank you, Tita Marichu, sa pagiging nice sa akin palagi. Sa pagsmile palagi. Malaking factor yun sa akin. :) Salamat po noong winish niyo ako ng good luck noong thesis defense ko. Atsaka thank you din po na pinagkatiwalaan niyo akong gumawa ng AVP ni Blessy noong 18th birthday nya. Salamat po sa pagtanggap niyo sa akin sa pamilya niyo. :)
Thank you po, Tito Cesar. :) Hindi ko man po kayo nakausap ng madaming beses e naramdaman ko naman pong hindi niyo ako itinuring na iba. Salamat po. :)
Thank you, Kevin, sa pag-aliw sa akin sa tuwing magagawi ako dyan. Baby ka pa noong una kitang nakita. Nasubaybayan ko kung paano ka lumakad at magsalita. Ang laki laki mo na ngayon. :)
Thank you, Ate Jodean, sa pag eentertain sa akin palagi, sa pagsmile. :) Malaking bagay talaga ang mga ngiti. :)
Thank you, Kuya Mune at Ate Millet kasi ginawa niyo akong ninang ni Kean. :) Thank you, Kean, dahil noong tinry kita kargahin e hindi mo naman ako sinungitan. :) Sana hindi mo makalimutan si ninang. :)
At higit sa lahat, thank you, Blessy sa pag iintindi sa akin. Salamat sa kwentuhan at kung ano ano pa. Salamat sa pagtatago ng mga sikreto. Salamat sa lahat. :) Mamimiss ko talaga ang pamilya niyo. :)
Kaya siguro ako nahirapan kasi alam kong mabubuting tao yung mga nakilala ko. Kaya naman maski wala na kami ng ex ko, naalala ko pa rim kayo noong nasa Hong Kong ako. Kapag bibili ako para sa pamilya ko ng pasalubong, palaging dalawang balot. Isa sa pamilya ko, isa sa inyo. :) Thank you ng maramiiii. :)
Shit bakit ako umiiyak. Hahahaha. Mamimiss ko kasi kayo. :D
-
mizzmizz liked this
-
eiyann liked this
-
toomuchofbdm liked this
-
toomuchofbdm reblogged this from putingsinungaling and added:
POTEK BAKIT UMIIYAK AKO NGAYON. T_________T
-
kepsisthename liked this
-
teesh-oh said:
Awww. :>
-
marvinmatic liked this
-
supahflymitch liked this
-
shegoesupanddown liked this
-
paupauchann liked this
-
nakakainlababo liked this
-
putingsinungaling posted this

