Welcome back sister-in-law. :”>
Ang aking hipag na naging ex-hipag na hipag ko na muli ay nag-tour sa Hong Kong at binilhan kaming pamilya ng pasalubong. :) Ang alam ko, break sila ng kapatid ko nito pero naalala pa rin niya kami. :) Natuwa sina mama dito kasi kahit na raw ganon ang nangyari, hindi pa rin niya kami nakalilimutan. :)
Tapos panay tanong nina mama sakin kung wala na ba talagang chance na magkabalikan sila. Siyempre hindi ko masagot kasi nga, wala naman akong alam sa lahat ng nanagyayari sa kanila.
Pero umiyak ako nung nabasa ko ang post niya para sa pasasalamat sa pamilya namin.
Dapat magkikita kami nung Sabado, December 03 para ako na ang kukuha ng pasalubong. Sabi niya magpapaalam na rin daw siya sakin. Nung sinabi niya yon, parang ayoko ng pumunta kasi baka maiyak ako. :))
Kasi bukod sa mga tropa ko noong HS, siya ang updated sa love life ko noon. Sa kanya ako nagsasabi ng mga nangyayari sakin, minsan humihingi na rin ako ng payo. Napag-uusapan din namin noon pag hindi sila okay ng kuya ko. Minsan nga feeling ko wala akong naitutulong pero sige pa rin ako para ma-cheer up ko man lang siya kahit hindi ko man siya mabigyan ng inspiring na mga salita. :))
Dati rin sabi namin noon na dadalhin namin sa Boracay ang pamilya nila ng kuya ako at ng magiging asawa ko. Basta napag-usapan lang namin ata yun. Dati kasi nagpapalitan kami ng messages halos araw-araw na mahaba para magkwentuhan. :)
Kaya nung nalaman kong nag-break sila, anlungkot ko rin noon. Akala mo nakipag-break din ako. :)) Malungkot ang pamilya namin non sa nangyari sa kanila. At palaging kumakanta ang daddy ko at si mama ng “Love always finds a way….” Puro yun lang ang linyang sinasabi nila kasi hindi nila kabisado yung kanta. :)) Tapos sabay tanong kung kamusta na ba sila sa akin. Sabi ko hindi ko alam. Kasi wala naman talaga akong alam. :))
Until nung Friday, December 02, nag-text siya sa akin na kuya ko na lang daw ang kukuha. Nagtaka ako at napaisip kung okay na ba sila ulit.
Pag-uwi ko, tinanong ko ang kapatid ko kung sila na ulit, at sabi niya, oo raw. :)
Tuwang-tuwa ako non. Kasi alam ko masaya rin ang kapatid ko at matutuwa rin sina mama. :)
At higit sa lahat, hindi ko na kailangang mag-goodbye sa kanya ng December 03. :))
Tuwang-tuwa si Kevin. Siya umubos nung chocolates. Nakikikagat lang kasi ako sa bawat hingi niya at late ko na na-realize nung mauubos na niya na napakasarap pala kapag mas malaki ung serving nung chocolate. Badtrip. :))
Salamat, hipag. ♥ Akala ko hindi na kita matatawag na hipag ulit. Buti naman at hindi pala. :)
HAHAHAHA. Ngayon ko lang nabasa na may ganito pala. :)) It’s been weeks since I last touched my keyboard. Puro qwerty pad na lang palagi. :D
These are the things that I usually miss when I just log in thru phone. Ngawww. Weeks passed and I just saw this now. HAHA.
Naiyak din ako nun. :)) Natatawa ako sa kwento mo. HAHAHA. Alam mo, may sikret akong sasabihin sayo. Pero kapag online mo na lang. HAHAHA. Natatawa din ako sa sarili ko. Pati yung mga kasama ko nagtataka rin. Kasi kapag bumibili ako ng pasalubong para sa family ko, palaging dalawang plastic. Isa para sa pamilya ko talaga, isa para sa inyo. Loka loka ko e. Gusto kong magmove on pero hindi matiis ng kunsensya ko na hindi kayo pasalubungan kasi ambait niyo sa akin. :)
Sana naenjoy niyo. :) Konti lang yan. :) Pagbalik ko na lang ulit or kapag natuloy ako sa Thailand next year. ♥ Break or not, may pasalubong kayo sakin. HAHAHA.
Originally Posted by: blessdm Reblogged From: blessdm



