Hallucination 2012
Hello. Ang dami dami dami dami kong ginagawa kaya naman wala akong oras para mabisita tong blog ko na dati ay araw araw kong pinag-aaksayahan ng oras para maging laging updated (hinanap ko sa Google ang pagsasaling-wika ng salitang updated para maging diretsong Filipino ang unang pangungusap ko na bawal huminga pero wala akong nakita).
*YES PWEDE KA NG HUMINGA!*
Sa ngayon ay marami pa din akong ginagawa, sadyang nangati lang ang mga daliri ko at naisipan ng utak ko na itipa sa address bar ang tumblr at makibalita naman dito.
Oo nga pala, gusto ko rin sanang maging protektado ni Asyong, pagkatapos e ipapatumba ko lahat ng prof na walang puso. HAHAHAH. Kung di mo nagets tong sinabi kong to, manuod ka ng Manila Kingpin. Maganda na, wala pang pila sa mga sinehan. ALAM NA!
Tapos, habang nagtatype ako neto, naka-loop sa playlist ko ang kantang Ligaya ng Eraserheads. Dinig na dinig ko si Ely sa pagkanta ng “Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo.” Kaya naman minamahal ko siya lalo. Seryosong mamahalin ko talaga ang lalaking magpeprisintang gagawa ng thesis ko.
Wala na akong masabi at maisip.
Hello, kamusta naman?
Buhay pa naman ako. Nagpaparamdam lang sa inyong lahat. Pag nagpaparamdam ba patay na, hindi ba pwedeng buhay din naging busy lang talaga? (Uso pa ba ‘to?)
-
kepsisthename liked this
-
akosinashyboy liked this
-
i-rawrkimmie liked this
-
doodle-my-name liked this
-
marvinmatic liked this
-
putingsinungaling posted this

